Kasaysayan ng Maikling Kwento sa Pilipinas
Ang maikling kwento ay maikli at
masining.Isang upuan at sandaling panahon lamang ang ginugugol, agad itong
matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng aral, pananabik at aliw.
·
Edgar
Allan Poe – tinaguriang ama ng milking kwento sa buong mundo.
Ayon
sa kanya, ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan,likha ng guniguni at
bungang isip o hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
·
Deogracias
A. Rosario – Ama ng maikling kwento sa Pilipinas.
Magasing Amarant at
Forget me not – sinasabing unang sumibol ang isang sangay ng salaysay.
Panahon ng Katutubo
- · Ang maikling kwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga kastila sa ating kapuluan.
- · Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi lamang o mga kwentong bayan.
- · Tinetema ay kalikasan, diyos-diyosan.
- · Ito ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan.
Pinag-ugatan ng
Maikling kwento
·
Mitolohiya
– salaysayin tungkol sa iba’t ibang diyos na pinaniniwalaang mga sinaunang
katutubo.
-tungkol sa mga kababalaghan at tungkol sa
kanilang mga pananalig at paniniwala sa mga anito.
Halimbawa: si Malakas at si Maganda.
·
Alamat –
isinaslaysay ang pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari at iba pa.
Pinalulutang din dito ang mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay.
·
Pabula –
uri ng kwentong gumagamit ng mga hayop bilang tauhan. Naghahatid ng
mahahalagang meensahe at aral sa buhay.
·
Parabula
– saylaysay hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at ispiritwal na
pamumuhay ng mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga.
·
Kwentong
Bayan – ipinapakita ang pag-uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin, at kultura
ng isang lipi
·
Anekdota
– nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa at mga pangyayaring kapupulutan
ng mga aral sa buhay.
Panahon ng mga Kastila
·
Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat
Mga
halimbawa ng maikling kwento sa panahon ng mga kastila
·
Noche
Buena ni Jose Rizal
·
Si Rosa
at si Rogelio ni Lope K. Santos
·
Bunga ng
kasalanan ni Cirio Panganiban – nagkamit ng unang gantimpala noong 1920. Ito angunang
kwentong tumapat sa mahigpit na pangangailangan ng banghay.
Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol at
naging malaking bahagi sa kasaysayan ng panitikang Pilipino. Isa siyang makata, kwentista, mandudula,
mambabalarila at guro pa ng wika.
Mga nagkamit ng gintong medalya at pinakamahusay na
kwentista.
- · Wala nang Lunas ni Amado V. Hernandez
- · Aloha ni Deogracias A. Rosario
- · Sugat ng Alaala ni Fausto Galauran
- · Ay,ay ni Rosalia A. Aguinaldo
Panahon ng Amerikano
·
Tinagurian ang panahong ito bilang “Mga
Gintong Dahon ng Panitik (1929-1934) sapagkat ang binigyang hugis ay ang
kaanyuan bukod sa pagbabago ng kalamnan.
·
Dalawang pangkat ng kwentistang Pilipino
-unang
pangkat ay manunulat na yumakap sa istilo at pormang dayuhan o tinatawag na
makaluma
-ikalawang
pangkat ay hayagang tumangkilik sa tradisyonal na pagsulat o tinatawag na
makabago.
·
Aristokrata – pangkat ng mga klasistang
manunulat,na naniniwalang ang pagsulat ay isang
marangal na gawain kaya ang dapat na kumatha ay yaong mararangal na tao,
na may mararangal at elitistang mga tauhan.
·
Sakdalista – mga kwentistang produkto ng
edukasyong kanluraninna tumutuligsa sa makalumang paraan ng pagsulat.
Mga katangian ng
panitikan sa panahon ng mga Amerikano
·
Hangaring makamit ang kalayaan
·
Marubdob na pagmamahal sa bayan
·
Pagtutol sa kolonyalismo at imperyalismo
*Panahon ng Ilaw at
Panitik – ganap ng nahasa ang mga manunulat sa sining ng maikling katha.
Panahon
ng Hapon
- · Masasabing gintong panahon ng Panitikang Filipino dahil pinairal ang paggamit ng wikang pambansa bilang midyum ng pagsulat.
- · Tinaguriang “Kontemporaryong Maikling kwento”.
- · Sumikat sa panahong ito ang batikang kwentistang si Macario Pineda at napatanyag ang kanyang kwentong Suyuan sa Tubigan.
Mga kilalang kwentista
sa panahong ito:
- · Narciso Reyes,” Lupang Tinubuan” – nagkamit ng unang gantimpala
- · Liwayway Arceo, “Uhaw ang tigang na Lupa” – nagkamit ng ikalawang gantimpala
- · N.V.M. Gonzales, “Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan” – nagkamit ng pangatlong gantimpala
- · Alejandro Abadilla at Clodualdo del Mundo – patnugot ng isang aklat na naglalaman ng mga Kwentong Ginto na nasulat sa mga taong 1925-1935.
Panitikan
sa Panahon ng Bagong Lipunan
- · 1972-1986, panahon ng Bagong Lipunan
- · Setyembre 21,1972 – idineklara ang Martial Law.
- · Bagong Lipunan-pagbabagong tatag
- · Naging makatotohanan ang paksa ng mga ito at natuon sa tema ng Bagong Lipunan.
- · Temang makabansa at paglaban sa mga naaapi.
·
Mga
paksain ng maikling kwento:
1.
Pagbibigay ng lupa sa mga
magsasaka.
2.
Pagbabalik-bukid ng mga tauhang
nasasakal na sa magugol at mausok na lunsod.
3.
Kahirapan ng pagkakaroon ng
maraming anak.
4.
Mga pang-araw-araw na pangyayaring
kapupulutan ng aral.
- · 1972 nalimbag ang Himagsik: Katipunan ng mga Nagkagantimpalang Kuwento ni Domingo G. Landicho.
- · 1974 nalimbag ang Manwal sa Pagsulat ng Maikling kwento sa Pilipino ni Domingo G. Landicho.
- · 1976 ay nalimbag ang Ang Mangwawasak at iba pang Maikling Katha sa pagmamalasakit ni Epifanio San Juan.
- Batas Republika – Kasalukuyan
- · Nasa antas pa lamang ng panibagong pagpapakilala at pagpapaunlad ang wikang Filipino noong mga taon ng dekada 80.
- · Syeyring ni Juan Cruz Reyes – nagwagi ng unang gantimpala sa Palanca taong 1986.
- · Talinghaga ng Talahib ng Los Indios bravos ni Fidel Rillo Jr. – Pangatlong gantimpala sa Palanca,1987
- · Sugat sa Dagat ni Cyrus Borja – unang gantimpala sa Palanca, 1988
- · Minero ni Noel Salongga – unang gantimpala sa Palanca, 1989
- · Isang Hindi Malilimutang Tanghali Sa Buhay ng mga Ginoo’t Ginang Ng Bitukang Manok ni Fernando Cao – inihalal na mahusay na kwento,1991. Tumalakay sa magkaibang pananaw at gawi ng mga pesanteat mga naghaharing uri ukol sa dalawang matingkad na element ng Edsa, rehiyon at pulitika.
Mga kilalang kwentista sa Panahon
ng Bagong Lipunan
1. Lualhati Bautista –
Ipinanganak sa Tondo Manila noong Disyembre 2,1945
-
isang bantog na babaeng pilipinong
manunulat..
-
Ilan sa mga nobela niya ang Gapo, Dekada 70 at Bata Pano Ka Ginawa?
na nakapagpanalo sa kanya sa Palanca award ng tatlong beses noong 1980,1983 at
1984.
2.
Pedro
S. Dandan - Ipinanganak sa Baliwag Bulacan noong Hunyo 30,
1916.
-
nakagawa ng ilang daang akdang
pampanitikan kabilang ang maikling katha, sanaysay,tula at nobela.
3.
Fidel
Rillo Jr. – Ipinanganak noong Hunyo 4, 1955.
-
Kasalukuyang nagdidisenyo ng magasin at
libro.
-
Tagapayo sa Advertising at pamamatnugot.
-
Isa sa Board of Directors ng union ng
mha manunulat sa Pilipinas.
4.
Bienvenido
Ramos – dating ulong patnugot ng magasing Liwayway.
-
Nag-aral ng AB Journalism sa FEU.
-
May akda ng kwentong Pakikipagtunggali na nalathala sa
magasing Liwayway.
5. Jose F. Lacaba
- Ipinanganak sa Cagayan de Oro noong Agosto 20, 1945.
-
Sumabak din sa pagsulat ng skrip sa
pelikula. Ilan sa mga ito ay ang Jaguar noong
1979 at Sister Stella noong 1984.
6.
Jun
Cruz Reyes – natatanging nuron ng wikang Filipino at
kamalayang Bukaleryo ng ating panahon.
-
Isang magaling na guro na binigyan ng
parangal bilang pinakamahusay na assistant professor ng College of Arts and
Letters sa UP Diliman.
7.
Lamberto
E. Antonio – Isinilang noong Nobyembre 9, 1946 sa
Palasinan Cabiao, Nueva Ecija.
-
Isang pilipinong manunulat, kabilang sa
tatlong tungkong baton g Panulaang Filipino, kasama sina Virgilio S. Almario at
Rogelio G. Mangahas.
8.
Patrocinio
Villafuerte – isang guro at manunulat sa Filipino
sa kasalukuyan. Siya ang tagapangulo ng departamento ng Filipino sa Philippine
National University.
-
Guro ng Filipino sa lahat ng antas,
,manunulat ng may 145 na aklat na
karamihan ay teksbuk at sangguniang aklat sa Filipino.
9.
Fanny
A. Garcia – Kauna-unahang nakapagtapos sa programang
Malikhaing Pagsulat sa antas masterado
at doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman.
-
Kasalukuyang nagtuturo at namamahalang
Tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa De La Salle University.
10.
Benjamin
Pascual – ipinanganak sa lungsod ng Laog, Ilocos Norte.
Isang kwentista at nobelista.
-
Maraming nasulat na maikling kwento sa
Ilokano at dalawang nobela.
-
Tagapayong legal ng GUMIL, Metro Manila.
Halimbawa ng Kwento
Lihim ng tatlong Buwan
Ni Ivy Joy V. Fondevilla
Pagkamulat pa lamang ng aking mga mata at hanggang
magkamuwang at magkaisip naririnig ko na sa mga tao ang papuri at paghanga sa
aking taglay na kariktan. Mula elementarya ay ako na lagi ang laman ng beauty
contest. Nang mag grade six nga ako ay marami na ang tumutol na ilaban akong
muli sa paligsahan sa aming paaralan. Galit na galit ang aking mama sa mga
humahadlang sa aking paglaban.
“Bakit ba ayaw
ka nilang isali? kasalanan mo bang maganda ka at laging nananalo? Wika ng mama
ko. “ Dapat kasi pumipili sila ng magaganda at matatalino na itatapat sayo,
hindi yung laging mga bopols at hindi kagandahan” dagdag pa niya.
May
katwiran naman ang mama ko, kaya lang masyado siyang talakera na walang
pinipiling lugar. Ako na tuloy ang nahihiya lalo na kung sa eskwelahan niya
dinadala ang ganitong ugali. Ngunit sa kabila nito ay mabait ang mama ko.
Masipag, maalaga at mapagmahal na ina. Palibhasa lumaki kaming tatlong
magkakapatid na siya lamang ang kasama. Make-up artist ang nanay ko, iyan ang
gusto niyang itawag sa kanyang propesyon, hindi lang basta mag-aayos ngunit mga
artista ang kaniyang minemakeupan. Kaming magkakapatid ang kanyang pangunahing
kostumer. Kaya nga kapag lumalaban ako
ng ng beauty pageant ay talagang magarang magara ako. Si Trina,an gaming bunso
na pitong taong gulang ay laging muse sa
kanilang eskwelahan . Si Veronica naman na nasa 2nd year high school
ay madalas na ring ilaban sa mga pagandahan.
Hindi kami mayaman,
pero nakatira kami sa isang subdibisyon sa Cavite. Ang totoo ay hindi ito sa
amin, ang kapatid ng mama ko ang naghuhulog ng bahay na ito. Siya ay
nagtatrabaho sa abroad bilang domestic helper. Siya din ang tumutulong sa amin
upang makaraos kami. Dalawa lamang silang magkapatid at si mama ang bunso.
Ulila na sila sa magulang kaya naman mahal na mahal nila ang isa’t isa. Hindi
na nakapag asawa ang tita Verna siguro ay dahil sa sumpa niya sa lolo’t lola ko
na hindi niya pababayaan si Mama. Marahil kaya lumaki ang ulo ni mama, alalaon
baga’y hindi siya matitiis ni tita. Tunay ngang napakabait ni tita. Kami ang
dahilan ng kanyang pangingibang bansa. Nang magkaanak ulit si mama, si Trina
ang bunso namin ay nagpasya si tita na magtrabaho na nga sa ibang bansa.
Hindi na
sapat ang kita ko dito, naggagatas at diaper si Trina kundangan ba nama’y
nagpaanak ka uli sa kung sinong lalaking may asawa “ wika ni tita” “kasalanan
ko bang habulin ng mga me-asawa” pagmamayabang pa ni mama. “ Bakit hindi ka
pumili ng lalaking kaya kang panagutan
at ang magiging anak mo. Huwang mong ikatwiran sa akin na nagkaton lang dahil
pangatlong beses na iyan. Ito ang usapan nina mama at tita Verna dalawang buwan
bago lumipad patungong Dubai si tita. Oo tama tatlo kaming magkakapatid na
magkakaiba ang ng ama at sa kasamaang palad pa nga ay ang aming mga tatay ay pamilyadong tao.
Noong una ay wala sa akin ang mga bagay na iyon, ngunit habang nagkakaisip ako
ay nagkakaroon ako ng mga katanungan sa buhay. Bakit iba-iba ang aming tatay,
bakit walang kasama si mama bilang kabiyak, Bakit ganoon si Mama? Masasabi bang
minalas lamang siya? ngunit sa tatlong beses masasabi pa bang malas iyon? Sabi
ni mama marahil ay iyon talaga ang tadhana niya. Kaya isinumpa ko sa aking
sarili na hinding hindi ako matutulad kay mama sa aspetong iyon.
Sa edad
kong labimpito, ay litaw na ang aking kagandahan. Sa kolehiyong aking
pinapasukan ay nadadala ko ang mga mata ng mga nakakakita lalong lao na ang
kalalakihan. Maraming nagtatangkang manligaw ngunit ayaw ko, nais kong maging
huwaran sa mga kapatid kong sina Veronica at Trina. Isa pa ay pihikan ako sa
mga lalaki at marahil ay hindi ko pa nakakatagpo ang lalaking magpapalundag at
magpapatibok ng aking puso.
“Aba kelan ka ba
magpapakilala sa akin ng iyong nobyo ha Cris?”. Sa ganda mong iyan ay hindi ako
maniniwala na walang nanliligaw sa iyo. Sabi ni mama ng minsang magkaharap kami
sa sala. Hindi ako umimik at nginusuan ko si mama. Ayaw na ayaw kong kinukulit
niya ako sa bagay na iyon. Sabi niya ay nais pa daw niyang makapag – alaga ng
apo bago siya mamatay. Mamamatay agad? Nasasabi ko sa aking sarili. Sa edad na
tatlumput apat at malakas pa sa kalabaw ay sinasabi ito. Hindi konserbatibo si
mama, halata naman. Kulang na lang ay siya ang pumili ng magiging nobyo ko at
ipakasal agad ako. Kahit ganoon ang kinahinatnan ni Mama pagdating sa kanyang
pag-ibig ay ibang-iba ang nais niya sa aming magkakapatid. Nais niyang ikasal
kami sa simbahan at magsasama habang buhay. Bagay na hindi niya naranasan.
“Kayo kasi
kung sa una pa lang ay pumili na kayo ng lalaking malaya ay naranasan nyo sana
ang maikasal at may makasama habang buhay” ito ang mga salitang lumabas sa aking
bibig na hindi ko napigilan.
“Eh di sanay wala
kayong tatlo kung iyon ang hinangad ko.” Malungkot na wika ni Mama. Natigilan
ako bigla at napaisip. Oo nga naman, ngunit may waring naguudyok sa akin na
ibulalas ang aking saloobin.
“Bakit kasi
may mga asawa pa mama? Hindi mo ba alam ang pakiramdam ng mga batang walang ama
habang sila’y lumalaki. Napakalaking kakulangan na hindi mo alam kung nasaan
ang tatay mo. Palibahasa hindi mo naramdaman iyon dahil kumpleto ang magulang
mo. At hindi ka pa nakuntento na isang anak mo lang ang makaramdam ng
kakulangang iyon. Nilahat mo pa kami. At tuluyan na akong napahagulhol. Lahat
ng naipong sama ng loob ay inalabas ko na. Sa wakas sa tagal ng panahon ay
kumawala din ang sakit na aking kinikimkim. Si mama ay hindi makaimik at maya
maya’y tumayo at tinungo ang kanyang silid. Wala noon ang dalawa kong kapatid
at kami lamang ang tanging saksi sa sagutang naganap.’
Napaupo na
lamang ako sa sofa at napahilamos sa aking mukha. Nais kong magsisi sa aking
mga nasabi kay mama. Alam kong nasaktan siya dahil iyon ang unang beses na
nagkasagutan kami tungkol sa bagay na iyon. Nag-aaway kami ni mama ngunit iba
ang pag-aaway na ito.
Kinaumagahan
ay parang walang nangyari ng nagdaang araw. Si mama ay pakanta-kanta habang naghahanda
ng almusal. Ang dalawa kong kapatid ay parang nagpapatintero sa paghahanda ng kanilang
gamit sa eskwela. Nang makita ako ni Mama ay ngumiti siya “ kain na anak,
nagluto ako ng paborito mo” masayang wika niya, tortang talong, sinangag at
tuyo, paborito niyang ulam sa umaga.
“Veronica,Trina,
halina kayo at makakain na” At sabay na dumulog ang dalawa. Bigla tuloy akong
naguilty sa aking ginawa. Hindi ko pa magawang magsorry kay Mama dahil nahihiya
pa ako sa kanya. “Bukas na lang” bulong ko. Mabilis na lumipas ang oras sa
eskwelahan. Aral dito, recitation doon, at maya maya pay uwian na. Gawain ko na
ang pagdaan sa fishball stand at magmeryenda at pagkatapos ay sasakay ng
tricycle patungo sa aming subdibisyon. Pagdating sa bahay ay naroon na ang
aking mga kapatid, hinanap ng mata ko si Mama, wala siya, marahil ay nasa silid
siya. Ito na ang pagkakataon ko. Pumasok ako sa silid niya at nakita ko na
nakahiga siya, waring humihikbi. Nilapitan ko siya at niyakap. “ Mama sorry
po!, hinarap ako ni Mama at niyakap. “wala kang kasalanan anak, tama ka,
patawad! At muli kaming nagyakap.
Mula noon
ay bumalik kami sa normal ni Mama. Lumipas ang mga araw, linggo at buwan.
Hanggang sa buwan na pagbabalik ni tita Verna sa Pilipinas. Bahagya ko nang nalilimot ang mukha niya
dahil sa telepono lamang kaming madalas magkausap. Nang araw na iyon ay
umarkila kami ng van upang sumundo sa airport. Sinabi ni tita na umarkila daw
kami sapagkat marami siyang dala. Anim na taon ang inilagi ni tita sa Dubai, at
mayroon na siyang naipundar na bahay at lupa at magagandang gamit. Nakikinita
ko na balang araw ay magiging amin na din sapagkat wala namang tagapagmana si
tita.
Alas dos
pasado na nang mag-ultawan ang mga ulong palabas ng NAIA. Iwinawagayway namin ang ginawa naming placard
na nakasulat ang “welcome home tita Verna” Maya maya pa’y nagkakaway na si Mama
na tila natatanaw na si tita Verna. At sinundan naming ang tingin ni Mama at
natanaw na din namin si tita. Malaki ang ikinabata ni tita, sa edad na tatlumput
anim ay mukhang mas bata pa siya kay Mama. Agad nagyakap si Mama at Tita Verna,
mangiyak-ngiyak pa nga si Mama. Kami nama’y isa isang nilapitan ni tita at
hinagkan. “ Naku ang lalaki na ng mga pamangkin ko.” Masayang wika ni tita. Ito
na ba si Cris? Naku dalagang dalaga na eh, baka naman may boypren ka na ha?
nakangiting tanong sa akin ni tita. “ “Wala pa po tita, nahihiya kong sagot. At
bumaling naman siya kina Veronica at Trina “ naku at ang dalawang ito naman,
mga dalaga narin, lalo ka na Trina, nang umalis ako’y mag iisang taon ka pa
lamang at tingnan mo naman ngayon,
pitong taon ka na,” napakabilis nga naman ng panahon ano Magda? Tanong ni tita
kay Mama.
“Ay oo ate
maya maya pa’y mag-aasawa na ang mga iyan at iiwan ako! Kunway malungkot na
sabi ni Mama. Pero bigla itong bumawi. “Sa bahay na natin ituloy ang kwentuhan
at siguradong gutom na si Ate Verna! wika ni Mama. Ngunit pinigil siya ni Tita.
“ Sandali lang may hinihintay pa tayo. Sabi ni tita. At nagtaka kaming lahat
kung sino pa ang hinihintay. Maya maya pa’y may kinakawayan si tita Verna sa di kalayuan.
Isang lalaki ang papalapit sa aming kinaroroonan. Matangkad at matipuno ang
pangangatawan at lalaking lalaki ang dating. Natunganga ako sa tanawing
bumubusog sa aking mga mata. Ang dahilan kung bakit wala akong nagugustuhan sa
aking mga manliligaw. Ito ang lalaking pinapangarap niya. Ngayon lamang siya
nakaramdam ng ganito. Nanlambot ang kaniyang tuhod at waring mabubuwal sa
kinatatayunan. Nasa ganito siyang sitwasyon ng tapikin siya ng kanyang mama. “
Uy ano ka ba?, kanina pa nakalahad ang kamay sa iyo ay hindi ka natitinag! Sabi
ni mama sa akin. At bigla akong nabalik sa aking ulirat naipakilala na pala
siya sa amin ay wala akong kaalam alam, at dagling inabot ang kamay ng lalaking
nagpawala sa akin sa katinuan kani-kanina lang. Pinilit kong maging kaswal at
paniwalain ang lahat na walang kakaibang nangyari sa kaibuturan ng aking isip
at puso.
“Cris,Veronica,
Trina, ang tito Matt nyo,nobyo sya ng Tita Verna nyo. Hindi ko na siya
naikuwento sa inyo hindi ko rin kasi alam na kasama sya pag-uwi”, wika ni Mama.
“Hello po
Tito Matt”, halos sabay na bati nina Veronica at Trina. At ako ay ngumiti lang
sa kanya.
“O,
bweno,halika na, sa bahay na natin ituloy ang kwentuhan at siguradong naiinip
na ang ating tsuper”. wika ni Mama. At kaming lahat ay nagtungo na sa direksyon
ng kinaroroonan ng sasakyan. Habang nasa sasakyan ay iniisip ko kung ano ang
aking nararamdaman kanina. Marahil
katulad ito ng ikinukwento sa akin ng aking kaibigan na si Andi nang una niyang
Makita ang kanyang nobyong si Mark. Sabi niya love at first sight daw ang tawag doon. Yung tipong para kang na
“stock” sa kinatatayuan mo at unti-unting nanghihina. Sa pagtatapat ng inyong
mga mata ay para kang natutunaw sa mga titig niya. “ Tama,sa isip ko na lang, love at first sight nga ang naramdaman
ko ng makita ko ang nobyo ng tita ko na malayo ang agwat sa edad ko. Kung
tutuusin ay parang tatay ko na siya. Bigla kong binura ang kung ano mang tumatakbo
sa aking isipan. Kaya siguro tinawag na love
at first sight ay dahil sa unang pagkikita lamang mararamdaman ang
pagmamahal.
Nang
makarating kami sa bahay ay sabay sabay naming pinagsaluhan ang mga pagkaing
nakahain. Nagpaluto si Mama sa isang restawran ng ilang putahe ng ulam na paborito
ni Tita Verna, afritada, adobo,
kare-kare at sari-saring panghimagas. Halatang ganado ang lahat sa pagkain
maliban sa akin. Narinig ko kanina nang nag-uusap sina mama at tita na tatlong
buwan ang ibinigay na bakasyon sa kanila. Driver pala si tito Matt ng amo ni tita at doon nabuo ang
kanilang pagsisintahan. Binata si tito Matt ngunit may isang anak sa dating
nobya. Nang mag abroad daw ay naghanap ng iba ang nobya nito na naging sanhi ng
kanilang paghihiwalay. Sa mga panahon na malungkot si tito Matt ay naroon si
tita, naging magkaibigan sila na humantong sa pag-iibigan ito ang kwento sa
akin ni mama ng tanungin ko siya kung paano nagkakilala sila ni tita.
Maingay sa bahay ng gabing iyon,
nagkakantahan, nagsasayawan, at umiinom ng alak sina mama si tita at si tito
Matt. Kaming magkakapatid naman ay tagatawa habang pinapanood sila. Pasado alas
dose na ng magdesisyon ang lahat na magpahinga, kanya kanya kaming nagtungo sa
aming mga silid. Sina tita Verna at tito Matt ay sa guest room tumuloy. Hindi agad ako makatulog ng gabing iyon, ang
katawan ko ay nais ng magpahinga, ngunit ang isip ko ay buhay na buhay pa. Para
sa akin ay napakatagal ng tatlong buwan na mamamalagi dito sina tita. Tatlong
buwan na araw-araw kong makikita ang kaakit-akit na mukha ni tito Matt.
Makakaya ko bang pigilan ang aking sarili? Sana bukas sa pagmulat ng aking mga
mata ay mawala na ang pakiramdam kong ito. Sana……. Sana……………
Mataas na
ang sikat ng araw ng ako’y bumangon, masarap ang aking pakiramdam sapagkat
nakapagpahinga ako ng maayos. Paglabas ko sa aking silid ay napatuon ang aking
mga mata sa kusina, palibhasa nasa second floor ako kaya kitang kita ko ang
tanawin, si tita Verna ay nagluluto habang si tito Matt ay nakapulupot ang dalawang
kamay sa bewang ni tita na animo’y sumasayaw-sayaw pa habang nagkukulitan.
Maganda si tita magkamukha nga sila ni mama eh, sa itsura at hubog ng katawan
ay magtataka ka kung bakit ngayon lang nakatagpo ng pag-ibig. Marahil dahil nga
sa mga bagahe niya, at kami iyon. Nasa ganoon ako ng pag-iisip ng bigla akong
tinawag ni mama. “ Anak gising kana pala, halika na kakain na tayo nagluto ang
tita mo”. At sabay na napalingon si tita Verna at tito Matt sa direksyon ko at
sumenyas si tita na bumaba na ako.
Lumipas ang
mga araw linggo at buwan kaswal ang pakikitungo ko kay tito Matt ewan ko pero
hindi ko magawang makipag close sa kanya. Marahil dahil may iba akong pagtingin sa kanya.
Waring isang taon ang paglipas ng isang buwan. Sa bawat araw na nakikita ko
siya ay lalong tumitindi ang pagnanasa ko sa kanya. Ang dating simpleng
paghanga ay tumuloy na sa pagnanasa hanggang isang araw ay tadhana na ang
gumawa ng paraan, nagkataon na wala kaming pasok at kami lamang dalawa ang
naiwan sa bahay sapagkat sina mama ay may nilakad na dokumento ni tita. Ang
dalawa ko namang kapatid ay nasa eskwelahan.
“Cris,
halika at sabayan mo ako sa pagkain”.alok ni tito Matt nang maabutan ko siyang
kumakain sa komedor. Ngumiti lamang ako
at tumuloy sa ref upang kumuha ng
malamig na tubig. May kung anong nag-udyok sa akin upang sabayan siya sa
pagkain. Masayang masaya ako sa aming kalagayan noon. Animo’y magkasintahan
kami na nagkukulitan at nagtatawanan. Hindi ko alam kung paanong kami’y
nagkapalagayang loob. Basta alam ko, masaya ako sa mga nangyayari. Mula noon ay
inaalam ko na kung may lakad sina mama. At sa tuwing nag-iisa si tito Matt ay
kunwaring nagkakataon na naroon lang din ako sa bahay.
Isang buwan
bago bumalik sina tita sa Dubai ay nakamtam ko ang produkto ng aking pagnanasa
marahil kahit hindi kami magsalita ay puso na namin ang nagdesisyon sa isang
bagay. Marahil dininig ng diyos ang aking mga panalangin. Isang araw na kami
lamang dalawa ang nasa bahay ay bigla niyang nabanggit na kamukha daw ako ni
tita Verna, parehas daw kaming maganda. Hindi ko man nakita ang aking sarili
ngunit alam kong namula ako kasabay ng paglundag ng aking puso. Parang gumagana
ang simpleng pagpapapansin ko sa kanya. Hindi ako malandi ngunit tama nga ang
sabi ng iba na lahat daw ng tao ay may tintatagong kalandian sa kanilang
katawan. Magaling lang talagang magpigil ang iba.
Sa
pagkakatitig sa akin ni tito Matt habang sinasabi niyang maganda ako ay parang
natutunaw ako, gustong gusto ko siyang lapitan at hagkan sa kanyang mga labi.
Gusto ko siyang makatabi sa pagtulog, makayakap buong magdamag. Sa pagkakataong
iyon ay nais ko nang pakawalan ang nagpupumiglas kong damdamin. Ngunit bago ko
pa nagawa ito ay naunahan na ako ni tito Matt. Mariin niya akong hinalikan na
halos kapusin ako ng hininga. At ang mga sumunod na pangyayari ay tanging ang
silid ko na lamang ang naging saksi. Ang kalinisan ko ay naangkin ng taong
pinakamamahal ng tita ko. “ Ang tita ko”. Bigla akong napabalikwas at agad nagbihis.
Si tito Matt naman ay nagbihis narin at tahimik na lumabas sa aking silid.
Buong araw
akong nagkulong sa kwarto, kahit nang dumating sina mama ay hindi ko na
magawang lumabas. Hindi ko alam kung paano ko haharapin sina mama at tita,
Bagaman hindi nila alam ang nangyari sa pagitan namiin ni tito Matt ay
binabagabag ako ng aking konsensya. Anong mararamdaman ng tita ko kung
malalaman niyang inakit ko ang nobyo niya? Hindi ko mapapatawd ang aking sarili
sa aking ginawa.Kung may dapat mang sisihin dito ay ako iyon at hindi si tito
Matt.
Makalipas ang ilang araw ay nagkasakit ako.
Hindi ako nakapasok sa eskwelahan ng ilang araw. Tarantang-taranta si mama sa
pag aasikaso sa akin bakas sa mukha niya ang labis na pag aalala. Hiyang –hiya
ako sa aking nagawa. Wala akong ipinagkaiba kay Mama na pumatol sa isang taong
may panangutan na, mas masahol pa nga ang sa akin sapagkat kasintahan ng tita
ko ang aking inakit.
Inip na
inip ako sa mga natitirang araw na pamamalagi nina tita dito sa Pilipinas.
Gusto ko na silang umalis at mabura na ang lahat ng mga nagawa kong kasalanan.
Ibabaon ko na sa limo tang lahat. Mula ng mangyari ang bagay na iyon sa pagitan
namin ni tito Matt ay biglang nagbago ang lahat. Siya ay halos hindi na
makatingin sa akin ng diretso,marahil nararamdaman na din niya ang katulad ng
aking nararamdaman.
Dumating
ang araw ng pag-alis nina tita, inihatid namin sila sa airport. Ayaw ko sanang
sumama ngunit pinilit ako ni mama, sa katunayan kasi ay masama ang aking
pakiramdam. Nagpaalamanan na kaming lahat kay tita Verna at kay tito Matt. Ako
ay hindi makatingin ng diretso sa kanya at ganun din siya sa akin. Sa
pagtalikod nina tita ay bigla akong naduwal, sabay na napalingon sina tita
Verna at tito Matt. Sa pagtatama ng aming mga paningin ay nagkaunawaan kami na
walang magsasalita ano’t anoman ang mangyari sa ikabubuti ng buhay naming
lahat. Ang mga naganap sa loob ng tatlong buwan na iyon ay mananatiling Lihim.
******WAKAS******
Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
TumugonBurahinmayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.